Ask Us!
University of Washington Libraries

Author, Poet, and Worker: The World of Carlos Bulosan

  • Read in English
  • Basahin sa Tagalog
  • Biography / Overview

    Carlos Sampayan Bulosan (c. 1911– September 11, 1956) was a Filipino American author, poet, and activist. A chronicler of the Filipino American experience during the 1930s - early 1950s, he is best remembered for his semi-fictional, semi-autobiographical novel America Is In the Heart (1946) — a staple in American Ethnic Studies and Asian American Studies classes.

    Though Bulosan was only 42-45 years old when he died of tuberculosis-complicated pneumonia in Seattle in 1956, he left behind a large body of poems, novels, short stories, plays, and correspondence on a range of related topics. Bulosan’s works describe the experience of growing up poor in a rural area of the Philippines, chronicling social and economic conditions created by the American occupation and centuries of Spanish colonialism. Bulosan’s work captures the “push” factors that drove his generation to the United States. Like Bulosan, they hoped to find a better future and forged resilient and adaptive communities in the face of an often-hostile and exploitative European American culture in the United States. First migrating to the United States via Seattle in 1930, he spent several years working migratory labor jobs and labor organizing with his fellow Filipino immigrants. In doing so, Bulosan shared common experience with many other first-generation Filipino migrant workers, most of whom worked in domestic jobs or in agricultural or cannery labor on a migratory labor circuit that spanned the West Coast—from California to Oregon, Washington, and Alaska.

    Bulosan is a central figure in Filipino American history. His words and image appear in murals and exhibits throughout Seattle’s International District. Scholars, artists and activists continue to look to him for inspiration. Yet many factors conspired to silence Bulosan and ensure his words and deeds would never be known. It was because of the hard work of various progressive labor, ethnic, cultural, and political communities — the same communities that inspired and sustained Bulosan — that we remember him today. Bulosan is remembered as a progressive anti-colonial, pro-labor, humanitarian voice by an array of communities including Asian/Pacific Islanders, organized labor, academics and intellectuals, and a wide range of social justice; ethnic; and activist communities.

    This exhibit examines Bulosan and the many overlapping communities of which he was a part. As a labor organizer and a self-consciously radical writer, deeply interested in anti-colonial political struggles ongoing in the Philippines, Bulosan was hounded by the FBI. Blacklisted, often in poor health, and unable to work, he lived much of his life in poverty. Nevertheless, a large circle of friends, including radical activists and authors, members of the cannery workers union (ILWU Local 37), and others supported him. These communities recognized the importance of his contributions, and made his work possible.

    Throughout his life, Bulosan was lackadaisical about retaining copies of his work. Moving from hotel to hotel or sleeping on friends’ couches, especially in his later years, he often simply had nowhere to keep it. Much of his poetry was written into his letters and correspondence. Whole manuscripts were left to friends for safekeeping or sent to prospective publishers and never returned. In the years after Bulosan’s passing, a group of his friends formed a Manuscript Committee, hunting down copies of his work by placing appeals in union circulars and local newspapers and writing to his former publishers. The papers collected by the Manuscript Committee ultimately made their way to the University of Washington Libraries Special Collections, where they remain preserved to this day.

    ~~~

    This exhibit draws on Bulosan’s papers, as well as those of his friends, associates, and the records of the cannery workers’ union to place his life in the larger contexts of Seattle, the West Coast, and the world. The exhibit begins with the American occupation of the Philippines, which shaped Bulosan’s childhood, his family's economic prospects, his high school education, and his ultimate arrival in Seattle in 1930. It traces his harrowing years in the Great Depression and the larger immigration context and history, the formation of the cannery workers' union in response to the economic and social climate, his involvement in radical left-wing labor and literary circles, to his breakthrough success as a best-selling novelist during World War II.

    Then the exhibit moves on to Seattle, where Bulosan spent the last half-decade of his life until his untimely passing in 1956. Here the exhibit shows Bulosan’s work for the Filipino cannery workers union, his growing concern with Philippine anti-colonial struggles, and the larger radical community of friends and comrades that sustained him. The exhibit also displays selections from his extensive FBI file. Finally, the exhibit illustrates Bulosan’s legacy, taking a look at the many people who have been inspired by his words and deeds.

  • Talambuhay / Pangkalahatang Tema

    Manunulat na Pilipino-Amerikano, manunula, at aktibistang si Carlos Sampayan Bulosan (c. 1911-Setyembre 11, 1956). Sinalaysay niya ang karanasan ng mga Pilipino-Amerikano noong 1930 hanggang simula ng dekadang 1950. Kinikilala siya para sa kaniyang nobelang mala-talambuhay, America Is In The Heart (1846). Ito ang pinakamahalagang aklat sa larangan ng Pag-aaral Amerikano-Etniko at Pag-aaral Asyano-Amerikano.

    May 42-45 anyos lamang nang siya ay namatay noong 1956 sa Seattle, dahil sa pneumoniang galing sa kaniyang pagkasakit ng tuberkulosis. Nag-iwan siya ng malaking kasulatang mga tula, nobela, maikling kwento, dula, at mga liham tungkol sa iba’t ibang paksa. Inilalarawan ng kaniyang kasulatan ang karanasang paglaking mahirap sa mga probinsya sa Pilipinas. Kinukuwento niya ang mga kalagayang ekonomiya at sosyal na linikha ng pagsakop ng Amerikano at ng daangtaong pananakop ng Espanyol. Itinanghal ng kaniyang kasulatan ang mga pinakamahalagang dahilan na nagbunga sa paglipat ng kaniyang henerasiyon sa Estados Unidos. Katulad ni Bulosan, pag-asa nila’y ang mas mabuting kinabukasan. Dahil dito, nilikha nila ang mga mapagtanggap at matatag na komunidad, kahit na mayroong sa Estados Unidos ang kulturang mapaggalit at mapagsamantala ng mga puting-Amerikano. Muna, dinayo niya ang Estados Unidos sa pamamagitan ng Seattle noong 1930. Pagkatapos, pinasa ilang taong nag-trabaho sa iba’t ibang lugar at pagoorganisa ng mga trabahador kasama ang mga unang henerasiyong Pilipinong katrabaho. Karamihan ng kaniyang mga katrabaho ay sa larangan ng trabahong pangtahanan, trabahong pagsasaka, o trabahong pangkanariya. Ibinabahagi ng mga ito ang mas malawak na paglibot ng trabahong migrante sa mga Baybaying Kanluran—mula sa California hanggang sa Oregon, Washington at saka Alaska.

    Si Carlos Bulosan ay tanyag sa Kasaysayang Pilipino-Amerikano. Ibinabahagi ang kaniyang mga salita at ang kaniyang mga imahe sa mga larawang nakapinta sa pader at sa mga pagtatanghal saanman sa International District ng Seattle. Siya’y nagdudulot ng inspirasiyon pa sa mga nag-aaral, aktibista at mga pintor. Maraming pangyayaring nagpatahimik kay Bulosan kaya hindi kinilala ang kaniyang mga salita at gawain. Dahil sa masipag na pagsisikap ng kaniyang sariling mga komunidad (na etniko, kultural, politikal at progresibong maka-trabaho) na, hanggang ngayon, kinikilala pa siya. Inaalala pa hanggang ngayon ng mga grupong aktibista, etniko at maka-katarungang sosyal ng komunidad si Bulosan bilang isang progresibong, laban sa pananakop, maka-trabaho, at maka-pagkakataong boses.

    Ang pagtatanghal na ito ay sinasaliksik si Bulosan at ang kaniyang mga nagsasanib na komunidad. Dahil sa kaniyang papel bilang isang tagapag-tipon ng mga trabahador, at radikal na manunulat na interesado sa mga sularaning politikal laban sa pananakop doon sa Pilipinas, sinubaybayan siya ng FBI. Naka-blacklist, at nagkasakit kaya hindi siya puwedeng magtrabaho, siya’y nakatira halos sa kahirapan. Malaking grupo ng kaniyang mga kaibigan, kabahagi ang mga radikal na aktibista at manunulat, ang mga kasapi ng Unyon ng mga trabahador ng kanariya, at iba pa ang sumuporta sa kaniya. Ang kahalagahan ng kaniyang mga kontribusiyon ay nakita ng mga grupong ito, at dahil sa kanilang suporta, nakapagsulat si Bulosan.

    Habang buhay, wala siyang ingat na panatilihin ang mga kopya ng kaniyang kasulatan. Malapit sa katapusan ng kaniyang buhay, wala siyang lugar para itago ang kaniyang mga kasulatan dahil sa kaniyang paglipat-lipat sa pagitan ng mga otel, at dahil sa kaniyang pagtulog sa sopa ng kaniyang mga kaibigan. Sinulat niya ang karamihan ng kaniyang mga tula sa kaniyang mga liham. Binigay niya ng buo ang mga manuskrito sa kaniyang mga kaibigan, at ipinadala niya ang mga manuskrito sa mga posibleng tagapaglathala at hindi ito ibinalik. Sa pagkamatay ni Bulosan, itinatag ng grupo ng mga kaibigan ni Bulosan ang Lupong Pagmanuskrito. Hinanap nila ang mga kasulatan ni Bulosan sa pamamagitan ng paglagay ng mga anunsyo sa mga pahayagan ng mga unyon at sa mga lokal na diyaryo. Sinulatan din nila ang kaniyang mga dating tagapaglathala. Sa wakas, ang mga nakolektang papeles ni Bulosan ay nandito na sa University of Washington Libraries Special Collections. Nanatili ang mga ito dito sa UW hanggang ngayon.

    ~~~

    Ang pagtatanghal na ito ay nagmumula sa mga papeles ni Bulosan, at sa mga papeles ng kaniyang mga kaibigan, kanegosiyo, at mga kasulatan ng unyon ng mga trabahador ng kanariya. Inilarawan ng mga papeles na ito ang kaniyang buhay sa loob na mas malawak na konteksto ng Seattle, ng Kanlurang Baybayin, at ng buong mundo. Nag-umpisa ang pagtatanghal na ito sa Pananakop ng Amerikano doon sa Pilipinas. Ang pananakop na ito ay may impluwensya sa paglaki ni Bulosan, sa mga layuning ekonomiya ng kaniyang pamilya, at sa kaniyang edukasiyon sa haiskyul. Ang binunga nito’y ang kaniyang pagdating dito sa Estados Unidos noong 1930. Sinusunod nitong taghalan ang mga taon ng kahirapan noong mga panahon ng Great Depression; ang mas malawak na konteksto ng imigrasiyon at ng kasaysayan; ang pagta-tatag ng unyon ng mga trabahador ng kanariya gawa ng klimang ekonomiya at panlipuna; ang kaniyang pagkasangkot sa grupong radikal na mangagawang maka-kaliwang at samahang literariy; hanggang sa kaniyang pagtagumpay bilang isang pinakasikat na manunulat noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

    Tumuloy ang tanghalang ito sa Seattle, kung saan tumira si Bulosan noong huling kalahating-dekada ng kaniyang buhay hanggang sa kaniyang biglang pagkamatay noong 1956. Ipinakita ng tanghalang ito ang mga kasalutan ni Bulosan para sa unyon ng mga Pilipinong trabahador ng mga kanariya); ang lumalaganap na pag-aalala sa pagsisikap dulot ng paglaban sa Pananakop sa Pilipinas; at saka sa mas malaking radikal na komunidad ng mga kaibigan at kakosa na tumulong sa kaniya. Itinatanghal din ang mga seleksiyon galing sa masaganang talaksan ng FBI. Sa katapusan, inilarawan ng tanghalan ang pamana ni Bulosan, tinatanaw ang mga madla na nabigyan-sigla mula sa kaniyang mga salita at paggawa.


Back to top

Follow Us:

Twitter Flickr